Wikang Filipino Ipagmalaki Mo

Bansang Pilipinas ipagmalaki mo
Wag mong ikahiya at wag mong itago
Pagiging Pilipino iwagayway mo
Kaya wikang Filipino gamitin niyo
Ipagmalaki Kung saan nagsimula
Sa wikang tinubuan na binuhay niya
Siya si Manuel Quezon na Ama ng Wika
Wikang Filipino gamitin ng Tama.

Sa ating bansa, ang wikang Filipino ay ang ating pambansang wika at opisiyal na wika ng bansang Pilipinas. Ang wika na ito ay isa sa mga bagay na sumisimbolo sa ating pagiging Pilipino.

Alam nating lahat na sa bawat bansa sa mundo ay mayroong iba’t-ibang pambansang wika na kanilang ipinagmamalaki at ginagamit. Ang wikang pambansa ay isa sa nagpapakita kung saang bansa talaga tayo nanggaling. At ito ay napakamahalaga dahil ito ay nakakatulong sa ating sarili, sa lipunan at sa pakikipagsalamuha sa kapwa pabigkas man o pasulat.

Kahit saan man tayo magpunta, dapat hindi natin makalimutan ang ating wikang pambansa lalong-lalo na ang wikang Filipino. Dapat natin itong alagaan, pahahalagahan at ituring na kayaman upang mas magiging maunlad pa ang paggamit nito lalong-lalo na sa mga susunod na kabataan.

Comments